ABYG If pinaparinggan ko mga online friends ko?
Little back story 3 kami sa gc (all girls). I met them online and magaan naman loob ko sa kanila. Lets name them Ina and Lena. Si Ina and Lena ay nagkakilala because of C(lesbi) dahil si Lena ay ex ni C at si Ina ang nililigawan ni C. Si C naman before, friend/classmate ko and pinakilala silang dalawa sakin. Cinut off ko tong si C years ago na dahil cheater sa mga nagiging gf. Naging si Ina and C naman pero naghiwalay dahil nahuli ni Ina na nakikipaglandian parin si C kay Lena.
Ff naging magkaibigan silang dalawa and since kavibes ko din naman sila, nakisama din ako. Ngayong may bago na uli si C, laging sinisiraan nila sa gc at gumawa pa ng dummy account para mastalk si C at ang bago. May nangyari din kay C at Lena habang sila na ng new girl. I already ignored the gc noong grabe na sila manlait sa bago. I tried to stop them pero di nakinig.
Si Lena and si Ina ay may current partners ngayon. Si Lena may boyfriend while si Ina ay may girlfriend. Parehas silang niloloko pero wala namang silang pake dahil sila din mismo niloloko partners nila and mas malala pa. May word pa sila na “buti na lang hindi ako nahuhuli”.
Kagabi may hinahanap ako na picture and nasa gc yun. Nagulat ako kasi ako na pala ang topic nila sa gc. I have girlfriend and I am a girl din. LDR kami. Si Ina ay nakafollow sa ig ko and topic nila yung post ko about appreciation of my girl. And i captioned “balang araw gagawa ako ng sariling museo at larawan mo ang nakalagay” then nagcomment si Ina doon tinawanan niya so nilike ko lang comment niya. Tapos sa gc sinend niya yun at sabi ni Lena “jejemon” “sino namang tanga ang maglalagay ng picture sa museo” then si Ina tawang tawa ang sabi pa “diba?! HAHAAHA”. Afair, si Ina laging bukambibig na pinagseselos ako ng gf ko which is unintentionally yun at inaassure naman ako. Its just me. My girl is so behave and never nagloko/magloloko. She loves me so much.
So I got hurt, i treated them as a friend kahit pa hindi pa kami nag mimeet personally. Ngayon nagpaparinig ako sa instagram stories ko about them like cheating, barking behind my back, etc. Kinda nakokonsesya ako dahil naging kaibigan ko rin sila pero they pushed me. Im not doing anything bad to them. Im really torn if ill continue the parinig or no.
Ps. Naka off read receipts ako kaya hindi nila alam na nababasa ko sa gc mga chats nila. And nag vuview parin si Ina sa stories ko. Si Ina ay many times nang niloloko ng current gf niya. Laging pinagsasalitaan ng kung ano ano and such. While my girl, always too soft for me. Never in our lives minura ako o sinaktan physically nung magkasama pa kami.
Abyg if pinaparinggan ko sila? it sounds so pathetic for me kasi im so soft