ABYG if magbigay ako ng retreat letter (w/ our pic) with a guy friend kung may jowa na ako?

Please make me understand.

For context, before kami magkakilala ng jowa [M24] ko, one of the boys na talaga ako [F23]. Mas marami akong tropang lalaki kaysa sa babae considering na hobbies ko ay men-dominant tlaaga. Sya, opposite. Hindi sya tumotropa ng babae kasi mabilis daw syang maattach. SOBRANG seloso rin nya. Tinanggap ko rin yon. Ako nag-adjust. I distance myself sa mga tropa kong lalaki kasi bare minimum, ryt?

So here’s the thing. Before naging kami, i went on a bday party. Party ng isang naging tropa ko na rin. Noon yon, bday nya rin non ininvite ako ng tropa ko na invited dahil tropa sya and kaklase rin nya. So itong recent party, nagrepost ako story ng celebrant na lalaki. Yung pic na yon nakaakbay sya sakin. It was a group pic anw tas alam mo yon since group pic, squish squished kayo. Nakaakbay sya sakin since ako yung katabi. Nakita nya yon, nagalit sya. As in rage. Take note, wala pang kami. Pinag-usapan namin yon. Since seloso sya, galit na galit sya sa action nya na yon sakin.

Now, don na tayo sa present time. Retreat ng tropa ko na yon and so nagrerequest sya ng retreat letters. It was optional anyways, walang sapilitan. Pero pinili kong gawan sya letters since tropa, ryt? Plus i got time so y not? Ngayon, nakita ako ng jowa ko na nagscroll ako sa photos ng picture naming dalawa lang na magtropa. Letter ko yon sakanya e? Edi nagrage ulit sya. Galit na galit. Pinagpipilitan na i was cheating daw, na trip ko yung tropa ko, na inaantay ko sya ganon. Pinag-awayan na raw namin to non. Nung bday nya pa lang. E ako naman akala ko sa akbay lang sya nagalit, akala ko sa pagiging clingy lang sya nagalit not to the person himself. And so ang ginawa ko and/or binago ko lang is i stopped letting other ppl esp men cling to me. Kahit normal na sakin yon, kahit yung pagiging sweet, regardless of the gender (Kahit nga wala pang kami non, pinili kong magbago) hindi ko inunfollow/block kasi buong akala ko nga sa akbay lang sya galit and like tropa ko pa rin naman sya??. So ngayong nag-away kami for that retreat letters, dapat daw matik na yon. Di nya gusto yung action therefore di nya na rin gusto yung person himself. Although pinipilit ko rin iexplain sarili ko na hindi, tropa ko lang talaga yon, gusto ko lang talaga magbigay rin sana ng letter dahil syempre naging tropa ko rin naman sya. Pero pinagdidikdikan nya lang din talaga na i was actually cheating

So ayun, ABYG dahil cinonsider kong magbigay ng letter sa guy friend ko, was that rlly technically cheating? Kahit wala naman akong ibang intention? It wasnt a love letter anyway. It was for their retreat. Kasi alam ko sa sarili kong wala lang talaga yon, sobrang wala akong love interest sa guy friend ko na yon. Pero baka lang sa mata ng iba, may malicious intent na pala yon without me knowing. Please enlighten me 🙏