Kapal ng mukha manginhi ng regalo after ignoring me for years
May kababata akong ikakasal sa December. Nung huli kami nagkita 2 years ago, may biruan kaming magkakaibigan na unang ikakasal, ako na sasagot ng gown. Mananahi kasi nanay ko sa pinas. Pero at that time ay wala pa samin ang may jowa.
Lima kaming magkakaibigan and 2 out of 5 samin ay sa ibang bansa na nakatira. Nagkakamessage kami pero itong ikakasal, walang reply kahit kelan sakin. Kahit nung nagbakasyon ako, hindi ako kinita. Ni birthday ko hindi sya nagmessage. Kahit nga nung minessage ko sya nung bday nya di nagreply. May gc kami kung saan vocal naman ako sa feelings ko na minsan depressing talaga sa ibang bansa pero always seenzone lang sya. Ok lang naman, low maintenance naman ako at super supportive naman iba naming friends.
Two months ago yung nanay ko bigla nagkwento na ung 3 nanay ng iba naming kaibigan ay kinuhang ninang sa kasal nitong si ateng. Nanay ko lang hindi within nanay ng friend group namin. Sa akin, di ko nga kilala jowa nya so keri lang. No biggie. Sabi ko kay mama, hayaan nya na, di naman na kami close.
Pero tang ina, bigla akong minessage ni girl last week kung magbabakasyon daw ba ko this year at ikakasal na daw sya. Sabi ko congrats pero hindi ako uuwi (and tbh, wala naman syang kwentang kaibigan para gastusan ko pauwi). Then bigla sya nagsabi kung tuloy ba yung gown na sasagutin ko na. Tapos sinend nya yung design na gusto nya.
LIKE WHUT. I was stunned. Kung di nya lang nileft out yung nanay ko wala naman problema samin at madali lang yun gawan ng paraan. Pero manhid ba sya? Alam nya naman na nanay ko gagawa. Ako nga nahiya sa nanay ko eh nung kinwento nya na bakit sya lang ang hindi ninang. Di ko gets ano tumatakbo sa utak nya. Tapos di nya man lang ako kinamusta nung may pinagdadaanan ako tapos ganyan sya ngayon? Ok lang sya?
By the way, hindi sya close sa mga nanay ng iba naming friends. Sadyang mas mahirap lang kami kaysa sa kanila.
Wala lang. Nashookt lang ako sa kapal ng mukha nya expecting na bibigyan ko pa sya ng ganun kamahal na regalo eh di nga nya pinakilala asawa nya. User lang talaga teh.
Edit: HAHAHA. Salamat sa mga reply beh. Anyway, I replied to her na at ayaw ko din naman magburn ng bridge kaya di ko siya inaway. Di ko nalang din sinabi kay mama kasi magtatampo talaga sya kung sya pa gagawa nung gown. Ang reply ko lang “Ay gurl, marami na tanggap na gawa si mama ngayon kaya di niya na daw kayang isingit yan. Papadala nalang ako ng regalo” tapos ayun, seenzone ulit si ateng. LOL