Cut off my family for my new family now

I 28F have been helping my family since I started working sa first job ko. Ako yung bunso saming magkakapatid. My 2 sisters has their own family na. Seaman yung husband ng eldest sister ko. Yung isang sister ko naman ay single mom. Yung single mom ko na sister, na buntis sa abroad, hindi namin alam na buntis siya, nalaman nalang namin nung nanganak na siya and nasa hospital na siya kasi need na niya ng 100k THAT DAY, as in agad2. So ako na may work nung time na yun, gave my salary to my sister sa abroad. On the other hand naman, yung eldest sister ko keep on "borrowing" money saakin, which is never naman niya binayaran and never ko naman din siningil, kasi turo ng Papa ko sakin, i should help my sisters daw, specially my eldest sister na my seaman na husband kasi di marunong mag budget. Sobrang gastador nung eldest sister ko, pag dating ng salary ng husband niya shopping agad. tas pag wala na pera, sakin "nanghihiram" kuno. Yung Papa ko naman on the other hand ay nang hihingi din ng pera sakin, para e bigay dun sa gf niya kasi patay na yung mama ko. Yung ni rarason niya pag nanghingi, kesyo pang bayad daw sa inutang niya na ref and motor kaya binibigyan ko nalang. And every christmas i always give them cash gifts talaga.

So fast forward, i got married and nagkaroon ng baby. Nanganak ako sa probinsya, so after a week og giving birth, yung asawa ko bumalik na sa manila to work. Dun ako tumira sa family ng asawa ko, pero minsan nagpapasama ako sa eldest sister ko para magpa check up kay baby, mga 3 times lang siguro kasi may car siya.

Nung bumalik na kami ng manila, dun na bumalik ulit sa panghihingi ng pera yung ate ko, kesyo wala na daw sila makain, pero na kita ko week before siya ng hiram, nagpa letson pa sila kasi kakababa lng nag husband niya. Yung asawa ko na iinis na din kasi kahit my family na ako, hingi pa rin sila ng hingi. Kaya sabi ko sa ate ko di ko na siya pwede bigyan ng pera kasi meron na nga ako family, kailangan ko muna sila unahin. Ayun, nag tampo, sabi ba naman akala niya daw basta kapatid nag tutulungan. Tinulungan niya naman daw ako dati, yung sinamahan niya ko magpa check sa baby ko. So sabi ko kwentahin niya lahat ng nagastos niya sa gasolina, babayran ko pag nakabalik nako sa work after maternity leave. Tas ayun na galit, in-unfriend ako sa fb.

Before all of that happen pala, yung papa ko keep on calling me, gusto niya tulungan ko daw eldest sister ko sa utang niya. Kasi ng loan yung ate ko, gamit name ng papa ko, so ngayon si papa nag babayad dun kasi wala pambayad si ate. E yung ni loan naman ni ate pinang shopping lang niya tas binilhan niya din si papa kasi nga name ni papa gamit sa loan, parang suhol. So sila ni papa magkasabwat talaga. So sabi ko sa papa ko di ko na tutulungan ate ko kasi hindi naman ako gumamit nung pera and isa pa sobra tipid namin ni hubby sa sarili namin tas e bibigay ko lang basta2 sa kanila. So ayun pati papa ko galit na sakin.

Right now, wala na kami communication ng eldest sister ko and papa ko. Na sad ko na di ko na sila nakakausap pero at the same time happy ako and meron na ko peace of mind. Di na ako nag woworry na baka mag message nanaman sila kada sahod ko. Yun lang. Share ko lang.