Hindi na ako magreregalo sa Papa ko kahit kelan.
Gusto ko lang mag-share ng sama ng loob.
Last November 29, bumili na agad ako ng regalo para kay Papa—a Macbeth T-shirt na nakita ko sa SM. It was on sale, ₱540 na lang from the original price na ₱1,200. Alam naman natin na medyo pricey talaga ang Macbeth, pero I decided na bilhin kasi ever since, sinasabi niya na maganda daw ang quality at gusto niya talaga magkaroon.
The moment I bought it, sobrang excited ko. Ini-imagine ko na matutuwa siya kasi finally, meron akong mareregalo akala ko magugustuhan niya.
Fast forward kanina. Sabi ko kay Mama at Papa, buksan na nila yung regalo ko. Kay Mama, walang problema. She was so happy and thankful—kahit simple lang yung binigay ko, natuwa talaga siya. My mom is the kindest person I know, kaya sobrang na-appreciate ko yung reaction niya. Pero si Papa…
Pagkakita niya sa T-shirt, ang unang sinabi niya, “Ang pangit naman nito, parang nabibili lang sa tiangge.” Grabe, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanlambot ako, nanginginig pa nga ako kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I just sat there, silently crying habang naririnig ko siyang nagsasabi na hindi niya daw gusto yung regalo ko.
To think na sobrang excited ako nung binili ko yun. Pinag-isipan ko pa talaga kung anong size, kung bagay ba yung design sa kanya, kung magugustuhan niya. Tapos ganon lang pala. Nasaktan talaga ako kasi hindi ko naman ine-expect na sobrang ma-appreciate niya, pero at least sana man lang hindi niya binastos yung effort ko.
Ang mas masakit pa, nagcomment pa siya na, “Walang bibili ng ganitong design ng T-shirt.” Pinipilit kong i-brush off yung sakit pero parang dumagdag lang yun. Kasi ako mismo, nakita ko yung design, maganda naman siya at quality din talaga. Ang iniisip ko lang, baka ako yung mali? Pero ang totoo, may sayad lang talaga si Papa sa pagiging insensitive.
Nagsorry naman siya eventually, kasi pinagsabihan siya ni Mama. Sabi ni Mama, “Buti nga naalala ka pa, pinaghirapan niya yun.” Pero to be honest, the damage was already done. Nawala na yung excitement ko, nawala na rin yung balak kong magdagdag ng cash na ipapasok sa regalo niya. Ayoko na.
I guess this is one of those moments na hindi ko makakalimutan. Hindi dahil sa T-shirt o sa pera, pero dahil sa pakiramdam na hindi man lang na-appreciate yung effort ko.
Hindi ko alam kung overreacting ako, pero grabe lang talaga yung impact. Ganito pala kasakit kapag yung taong mahal mo, hindi man lang makita yung halaga ng ginawa mo para sa kanila.
EDITED: For context, nasalinan na ng dugo si Papa from 3 different persons and he suffered from blood clotting back in 2020 sa may brain niya. Simula non, nagbago na talaga behavior niya. Di ko alam na may factor and impact yon. Thank you sa sympathy and Merry Christmas, everyone! 🎄✨