Tangina talaga ng nanay ko

Nag tratrabaho ako from 12AM - 8AM pag out ko tulog agad kasi may pasok pa ako sa school ng 3PM-8:30PM. Yung feeling na antok na antok kana, nasa verge ka na ng pagtulog pero ginising ka dahil need mo bantayan ang potanginang tindahan na yan.

Ang dami mong anak, madami kami! PERO BAKIT AKO??? Nag seself-support na nga lang ako kahit hirap na hirap na ako, para makapag aral lang lasi ayaw ko mag stop. Pagod ako ma, hindi mo nakikita?

Ang unfair mo ma! Si kuya nakapagaral ng maayos kasi ginawa mo lahat pero ano binalik niya sayo? AYUN TAMBAY KAHIT MAY DEGREE NAMAN. ayaw humanap ng trabaho kasi gusto yung madali lang. Ang unfair lang hindi naka try na maging working student yan tapos ako na nag susumikap, hilig mo hithitan ng pera. Tangina niyo talaga!

Mga kapatid ko? Ayun lakwatsa ng lakwatsa imbes yun sana ang mag babantay ng tindahan kasi halfday lang ang mga pasok. Yung isa naman, ayun nasa jowa palagi, parang ang daming pera.

Ewan ko, tangina niyo talaga. Pagod na ako sainyo.

Edit: Nabasa ko po lahat ng comment niyo. Nag usap na kami ng nanay ko diyan pero di maka intindi, nag crack out na ako one time pero sirado utak niya. Ano ginawa niya? sinabi niya din na pagod siya parehas lang daw kami. Hindi ko masasabing parehas kami kasi hindi naman ako ganyan sakanila.

Sinusubukan ko po mag ipon, 6 months pa lang kasi ako sa work at very accessible yung bahay namin sa work at school. Pero nag promise na ako na by october bubukod na ako talaga.

Salamat sa pakikinig, hindi ko alam ganito pala ka-satisfying magpalabas ng nararamdaman dito. Hindi po sa akin ang acc na ito, sa gf ko po hahaha sa gf ko lang kasi ako comfortable mag voice out at ngayon sainyo na din. Maraming salamat!