Sobrang lost na sa buhay
Naramdaman nyo na ba yung feeling nyo sobrang lost kayo? Parang gusto nyo nalang ireset ulit yung life kung may button lang.
Sobrang lost ako sa buhay ngayon, feeling ko never akong mag eexcel sa pinili kong course, kasi hindi ko naman talaga to gusto. Baka dapat pinursue ko talaga yung passion course ko kahit di sya aligned sa strand ko, siguro magaling pa din ako at hindi basta makapasa nalang.
Feeling ko huling huli na ako sa lahat ng ka age ko, parang sobrang sure na sila sa buhay, tapos ako lost pa din. Andami kong gustong gawin, gumala, magbusiness, mag aral, mag save ng pera, lahat. Pero wala akong masimulan.
Kahit lovelife ayoko na pasukin baka lalo akong mabaliw, ang gulo pa sa bahay tapos may work pa sabay sabay na.
Hays, ang hirap.