32y/o College Grad na walang matinong trabaho
Hay buhay talaga. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman. Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Kasi ang tanda ko na pero wala pa rin ako matinong trabaho kahit na college grad ako. Di ko na pinursue talaga education kasi di ko talaga passion ang pagtuturo. Down na down na ako. Naging Store Manager naman ako dati. Napilitan lang ako magresign for some personal reason. Di na ako makapag apply sa iba kasi wala na ring budget pang apply. Wala ako ibang inaasahan sarili ko lang talaga. Kaya ito mag tyaga na muna ako bilang production worker kasi sagot muna ng agency ang gastos. Valid ba tong nararamdaman ko, o sadyang nag iinarte lang ako? Ako lang ba yung ganito?