what to actually feel? am i overthinking too much?
what to actually feel? am i overthinking too much?
Problem: I (24F) have a boyfriend (25M) na may provider mindset, sweet, family oriented, caring, clingy (in private), generous, and faithful but here's the thing about me. Sobrang overthinker ako. Siya yung first boyfriend ko. Pang 4th niya naman ako. May trust issues din pala ako. But anyway, yung boyfriend ko binibigyan naman ako ng assurance na sobrang love niya ako at talagang pinaparamdam niya sakin yun pero may mga times na nagdadoubt ako kasi naiisip ko yung past relationships niya kahit na hindi naman niya ako binibigyan ng reason para mabother or isipin yung past relationships niya. Iniisip ko na baka sina-sabotage ko tong relationship namin kasi minsan iniisip ko na baka di pa siya nakamove on talaga sa last ex niya kahit ilang beses niya nang sinabi sakin nung tinanong ko siya na nakamove on na talaga siya. It's either retroactive jealousy to or sabotaging. Idk what to actually feel, guys. Kulang ba ako sa assurance? Or since first boyfriend ko siya, everything feels so new and hindi ako sanay makareceive ng love ulit sa ibang tao besides my family kasi may thoughts ako na baka iwan rin ako? He's so honest with me every time I ask him about his past relationships. Sobrang open kami sa isa't isa and I never take it against him (his past) kasi iniisip ko na lang na hindi pa naman kami magkakilala non. Ramdam ko din na seryoso siya sakin kasi he's been planning His future with me already and di niya trip maglaro sa relationship kasi he's dating to marry. To add, SOBRANG close ako sa family niya and they treat me as their own na rin. He even said na, "hindi kita ippublicize / ipapakilala sa family ko at isasama sa trip namin ng mga kaibigan ko kung may plano akong magloko. kung iniisip mo na niloloko kita, sana hindi kita inexpose sa family ko." Tinanong ko din kasi siya just yesterday kung iniistory niya ba yung mga ex niya sa social media niya and he said na pinopost niya but yung mga labas lang nila and he added na, ayaw niya na daw masyado nagsstory sa IG kasi nagbbreak lahat ng mga pinopost niya. Di ko alam mararamdaman ko kasi gusto ko din na pinopost ako but at the same time, naisip ko na baka may trauma na siya and he's been really protecting our relationship kasi ramdam kong ayaw niya akong mawala. Sabi nga niya, "di naman nakabase sa social media yung pagmamahal ko sayo. sa family ko. di kita ilalapit kung di kita nakikita sa future." Inamin ko sa kanya na syempre di ko maiwasang hindi ma-insecure kasi pinopost niya ex niya tas ako bilang lang sa kamay (pinopost naman niya ako but occasionally) and ayokong isipin ng marami na single siya. Everytime I open up to him regarding my feelings, he listens and acknowledge it so well. Pag may mga away din kami, di nagtatagal ng buong araw kasi inaayos din namin agad by communicating and comprehending the situation. We also give each other's time and space every time we argue to calm ourselves.
What I've tried: I always communicate my thoughts and feelings to him and He always acknowledges / validates me. As much as possible, I try to not overthink too much kasi He said na sa pag ooverthink ko nagsisimula yung mga tamang hinala at mga bagay na hindi naman daw niya ginagawa pero inaaccuse ko siya. He questioned me one time saying na, "Niloloko ba kita? Hindi naman, diba? May ginawa ba akong mali? Mag isip ka ng ganyan kung nasira ko tiwala mo sakin. Wag mo ako pag iisipan ng masama. Kung nag ooverthink ka, isipin mo na nagsshopee o lazada lang ako kasi nakikita mo naman na ang dami kong orders na dumadating." 🤣 Siguro kasi pag nagpphone siya and kachat niya mga friends niya, di niya gaano pinapakita yung convo nila while he is typing pero pag may nagcchat sakin, siya na pinapabasa ko minsan kasi alam niyang ayaw kong makabasa ng about work after my duty tho gets ko kasi privacy pa din nila yun and he always shares pa rin naman yung usapan nila sakin pag di naman super secret and open din siya sakin.
Advice I need: guys, i need your thoughts please!! Naiisip ko na baka magsawa na siya sakin kaka bring up ko ng past niya kahit di naman namin pinag aawayan kasi honest naman siya huhu what to do?? We're happy naman. Nawawalan ako ng peace of mind kakaovethink :(
Additional Information: He always showers me with love. He also invites me to go out with his friends kasi he thinks of me most of the time and super naaappreciate ko kasi he knows how badly I want to de-stress from my toxic duty.