Para sa mga lalake diyan...
Problem/Goal: I have this friend na need ng advice or opinion regarding this from a guy's perspective
Context: Para sa mga lalake diyan, totoo ba na kapag ginagastusan / nag iinvest kayo sa girlfriend niyo ng mahal ay masasabi niyo na mahal niyo talaga sila ng sobra? Nagddoubt kasi yung friend ko sa bf niya. There's this one time daw na nakita niya sa messenger ng bf niya na nagreply at nagsend yung bf niya ng heart sa story ng dalawang babae. Kinonfront naman ng friend ko yung bf niya at ang rason kung bakit daw nagawa ng bf niya yun ay dahil nafeel niya mag explore kasi parang hindi pa siya kuntento. Pinatawad at binigyan ng another chance ng friend ko ang bf niya. Sobrang pinagsisihan naman daw ng bf niya at nagbabago naman na para sa kanya. Mas naging open na rin yung bf niya sa kanya with regards sa paggamit ng phone at pag open ng account. Walang exchange of accounts na nagyare para sa personal privacy na din pero mas pinapahiram na ng bf niya ang phone niya sa kanya. Napansin naman ng friend ko na may pagbabago sa bf niya and mas naging sweet pa. Aware din bf niya na may pagdududa pa friend ko sa kanya kasi may one time na binilhan siya ng bf niya ng mamahalin na gamit at sinabi ng bf niya sa kanya na wag na sana siyang pagdudahan kasi hindi naman daw siya mag iinvest o gagastos ng mahal kung niloloko lang daw siya. di daw siya mag eeffort kung hindi siya seryoso. Sobrang nagsisisi naman siya na nagawa niya yun kaya sana daw wag na siya pag isipan ng kung anu-ano ng friend ko. Pero syempre, di maiwasan ng friend ko na isipin na ginagastusan nga siya pero nagawa niya pa rin magreply sa story ng iba. Wala palang convo na nangyare. Merely react / reply lang daw sa story.
Additional context: Hilig din talaga ng bf niya i-spoil siya kahit dati pa. Halos sagot ng bf niya lahat ng dates nila at madalas pa siyang bilhan ng mga damit or gamit pag lumalabas sila. Legal din both sides sa family. Mahilig din siyang i-date ng bf niya lalo na pag stress friend ko sa work. Alagang-alaga naman siya ng bf niya at nagpplano na rin ng future. Di niya lang maiwasan isipin kung bakit nagawa pa rin sa kanya ng bf niya yun...
So sa mga lalake diyan, how true na kapag gumagastos or nag iinvest kayo ng malaki, mahal niyo at seryoso talaga kayo sa babae?
Previous attempt: None. I don't know what to say sa friend ko. Much better if manggaling sa POV ng mga lalake.
Please don't post this outside reddit. Thank you!