Car Stuff for Toyota Wigo

Hello po 🙂 First of all, salamat sa sub na ito for being a big help sa akin bilang isang new driver na walang gaanong knowledge sa sasakyan.

So we just got our new Wigo this month. Para kaya ng budget, unti-unti lang muna ang bili namin ng mga car essentials and yung mga uunahin namin are the ff:

  1. Rear dashcam
  2. Sunshade
  3. Matting
  4. Window tint

Questions:

  1. Rear dashcam lang yung need namin since may stock front dashcam naman na yung Wigo. Madalas kong mabasa na nirerecommend yung 70mai and ddpai. Compatible kaya sila sa stock dashcam namin? Or may masusuggest po ba kayong other brands na plug-and-play lang sana?

  2. Recommended sunshade brand and saan nakakabili?

  3. Torn between deep dish mat (yung mga nabibili sa shopee na 5D etc.) and hippotech/shark mat. Half the price ng hippotech/shark lang kasi yung mga nasa shopee at nakakasalo daw talaga ng liquid pero madulas nga lang daw kapag basa? May iba pa akong nabasa na nagpapatong sila ng coil mat sa deep dish mat para hindi madulas although di ko sure kung ok yung ganung setup. Thoughts?

  4. 3M IR or IM yung balak kong ipalagay. Platinum kasi yung free tint namin, medium lang on all sides at visor sa windshield but nadidiliman pa rin ako sa gabi. Considering this, anong shade po kaya ng 3M yung ok na ipalagay namin? And may huge difference ba yung IR at IM? Medyo malaki din kasi yung price difference nila: 13500 for IR but 8k lang sa IM.